Serbisyo sa Pag-verify ng Edad ng Yoti - Impormasyon sa Privacy
Huling na-update noong: Nobyembre 14, 2023
Ang Serbisyo sa Pag-verify ng Edad (Age Verification Service o “AVS”) ng Yoti ay ibinibigay ng Yoti Ltd. Ang impormasyon sa privacy na ito, bukod pa sa Patakaran sa Biometrics ng Yoti para sa mga user na nasa Illinois, Texas, at Washington ay tumatalakay sa mga paraan ng pagsusuri ng edad na ibinibigay namin para sa produktong ito. Tutukuyin ng impormasyon sa privacy na ito ang Yoti bilang ‘kami’ o ‘namin’ at ang organisasyon kung kanino ka nakikipag-ugnayan para patunayan ang edad mo bilang ‘Organisasyon’.
Ang Yoti ay ang provider ng serbisyo at ang Organisasyong humihiling sa iyong patunayan ang edad mo ay nagbigay dapat sa iyo ng kanilang impormasyon sa privacy at anumang nauugnay na pangongolekta at paggamit ng data na isinasagawa nila.
Ano ang Pag-verify ng Edad ng Yoti?
Ang Pag-verify ng Edad ng Yoti ay idinisenyo para mabigyan ka ng mabilis na paraan para patunayang lampas ka sa angkop na edad para sa ginagawa mo online, nang walang ibinabahaging personal na impormasyon sa isang Organisasyon.
Nagsisilbi ang Yoti bilang tool sa pagpapaliit ng data sa pagitan ninyo ng Organisasyon.
Ganito gumagana ang proseso:
- Papatunayan mo ang edad mo gamit ang gusto mong paraan ng pagsusuri ng edad.
- Tutukuyin ng Yoti ang edad mo at buburahin nito ang personal mong impormasyon.
- Makakatanggap ang Organisasyon ng resultang ‘lampas’ o ‘wala pa’, o matatanggap nito ang petsa ng kapanganakan mo.
Walang ibabahaging impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan sa Organisasyon. Buburahin ng Yoti ang personal mong impormasyon kapag naibahagi na sa Organisasyon ang resulta ng pagsusuri ng edad.
Mga paraan sa patunay ng edad
Pagpapasyahan ng Organisasyon kung alin sa mga paraan ng pag-verify ng edad ang gusto nitong ialok at mapipili nitong matanggap ang petsa ng kapanganakan mo o kung ikaw ay ‘lampas’ o ‘wala pa’ sa kinakailangan nila sa edad.
Kapag naibahagi na sa Organisasyon ang pagsusuri ng edad, ide-delete namin ang lahat ng personal mong impormasyon. Kung gumagamit ka ng paraan sa edad na ibinibigay ng isang third party, ibabahagi namin ang mga detalye mo para sa pagtukoy sa edad mo at wala nang iba pa.
Mapapatunayan mo ang edad mo sa iba’t ibang paraan:
1. Pagtantya sa edad
Hihilingin sa iyong kumuha ng selfie gamit ang camera sa device mo. Kukuha ito ng maraming larawan, at susuriin ng aming teknolohiya sa pagtantya sa edad ang isa para matukoy ang edad mo.
Tapos, kakalkulahin namin kung lampas ka na sa kinakailangan sa edad ng Organisasyon.
Puwedeng matanggap ng Organisasyon:
- Ang tinantyang edad mo ayon sa taon
- Kung ikaw ay ‘lampas’ o ‘wala pa’ sa kanilang kinakailangan sa edad
Para sa dagdag na seguridad, puwede ring humiling ng liveness test ang Organisasyon. Ito ay para masigurado na totoong tao ang nasa likod ng camera at hindi 2D na larawan, maskara, o bot. Gumagana ang teknolohiya sa pamamagitan ng pagproseso sa (mga) larawan sa pamamagitan ng sunod-sunod na mga deep neural network. Bawat isa sa mga ito ay nagsusuri ng ibang elemento ng larawan para maghanap ng mga palatantaan na baka hindi ito totoong tao.
Dine-delete namin ang larawan kapag may naibigay nang pagtantya sa edad.
2. Pag-scan ng ID
Hihilingin sa iyong i-scan ang dokumento ng ID mo gamit ang camera sa device mo. Kukunin namin ang impormasyon sa dokumento ng ID at kakalkulahin namin kung lampas ka na sa kinakailangan sa edad ng Organisasyon gamit ang petsa ng kapanganakan mo.
Puwedeng matanggap ng Organisasyon:
- Edad mo ayon sa taon
- Kung ikaw ay ‘lampas’ o ‘wala pa’ sa kanilang kinakailangang edad
Para sa dagdag na seguridad, puwede ring hilingin sa iyo ng Organisasyon na mag-selfie gamit ang camera sa device mo. Ito ay para masigurado na sa iyo ang dokumento ng ID at ganito namin pinipigilan ang mga manloloko na gayahin ka. Kukuha ng maraming larawan, at susuriin ang pinakamalinaw na larawan gamit ang teknolohiya sa pagtutugma ng mukha. Gagawa ito ng biometric template ng mukha mo, na ihahambing sa litrato sa dokumento ng ID mo.
Tinatabi namin ang anumang data na nakuha, gaya ng dokumento ng ID at selfie mo, sa aming data center sa UK. Kapag natapos na ang sesyon, buburahin namin ang lahat ng personal mong impormasyon. Kung hindi matatapos ang sesyon, buburahin namin ang data mo pagkalipas ng 25 oras, alinman ang mas mauuna. Hindi namin ginagamit ang data sa anupamang layunin.
3. Yoti app
Hihilingin sa iyong mag-scan ng QR code gamit ang Yoti app mo para ibahagi ang petsa ng kapanganakan mo. Bago ito, kailangan mong kumpletuhin ang isang beses lang na proseso ng pag-verify sa Yoti app sa pamamagitan ng pag-upload ng dokumento ng ID mo at isang selfie.
Tapos, kakalkulahin namin kung lampas ka na sa kinakailangan sa edad ng Organisasyon.
Puwedeng matanggap ng Organisasyon:
- Edad mo ayon sa taon
- Kung ikaw ay ‘lampas’ o ‘wala pa’ sa kanilang kinakailangan sa edad
Magkakaroon ka ng resibo ng pagbabahagi sa Yoti app mo na nagpapakita kung ano ang ibinahagi mo, kanino, at kailan. Mayroon ding resibo ng pagbabahagi ang Yoti na ang nakalagay lang ay petsa at timestamp, at nagbigay ng attribute na petsa ng kapanganakan pero hindi nito sino-store ang petsa ng kapanganakan mismo. Itinatabi namin ng may seguridad ang naka-encrypt na resibong ito sa aming data center sa UK.
4. Credit card
Hihilingin sa iyong ilagay ang PAN number, expiration date, postcode, at CVC number ng credit card mo.
Ipapadala namin ang mga detalyeng ito sa isang provider ng pagbabayad at maglalagay kami ng pansamantalang £0.30 na hold sa card mo. Ito ay para mapatunayan na napapanahon at valid ang card mo. Ginagamit namin ito para tukuyin na lampas 18 taong gulang ka na at aalisin namin ang £0.30 na hold sa card mo kapag tapos na ang pagsusuri ng edad.
Puwedeng matanggap ng Organisasyon:
- Kung ikaw ay ‘lampas’ o ‘wala pa’ sa kanilang kinakailangan sa edad
Hinding-hindi namin sino-store o ibinabahagi ang mga detalye ng credit card mo at hindi ka sisingilin para ma-verify ang edad mo.
5. Mobile number
Hihilingin sa iyong ilagay ang pangalan, petsa ng kapanganakan, mobile number, at address mo.
Ipapadala namin ang mga detalyeng ito sa isa sa aming mga provider para sa pagsusuri ng mobile. May matatanggap kang SMS na may verification code na kakailanganin mong ilagay. Ito ay para makumpirma na nasa iyo ang phone. Tapos, kukumpirmahin ng provider na ang mga inilagay na detalye ay tumutugma sa mga detalye ng mobile account at gagamitin namin ito para tukuyin na lampas 18 taong gulang ka na.
Puwedeng matanggap ng Organisasyon:
- Kung ikaw ay ‘lampas’ o ‘wala pa’ sa kanilang kinakailangan sa edad
Hinding-hindi namin sino-store o ibinabahagi ang mga detalye mo kahit kanino maliban sa provider.
6. Pagsusuri sa database
Hihilingin sa iyong patunayan ang edad mo gamit ang pangalan, petsa ng kapanganakan, at address mo.
Ipapadala namin ang mga detalyeng ito sa isang credit reference agency provider para kumpirmahin kung tumpak ito at kunin o kumpirmahin ang petsa ng kapanganakan mo.
Puwedeng matanggap ng Organisasyon:
- Kung ikaw ay ‘lampas’ o ‘wala pa’ sa kanilang kinakailangan sa edad
Hinding-hindi namin sino-store o ibinabahagi ang mga detalye mo kahit kanino maliban sa provider.
7. eID scheme
Hihilingin sa iyong patunayan ang edad mo gamit ang isa sa mga sumusunod na eID scheme:
- Bank ID (Sweden)
- MitID (Denmark)
- Finnish Trust network (Finland)
Kapag napili mo na ang eID scheme na gusto mong gamitin, kakailanganin mong mag-log in at ibahagi ang iyong mga detalye sa pamamagitan ng aming eID provider. Matatanggap namin ang impormasyon ng pagkakakilanlan mo tulad ng pangalan, petsa ng kapanganakan, at national ID number, at gagamitin namin ito para kumpirmahin ang edad mo.
Puwedeng matanggap ng Organisasyon:
- Kung ikaw ay ‘lampas’ o ‘wala pa’ sa kanilang kinakailangan sa edad
Hinding-hindi namin sino-store o ibinabahagi ang mga detalye mo kahit kanino maliban sa provider.
8. US Mobile Driving license (mDL)
Hihilingin sa iyong patunayan ang edad mo gamit ang isa sa mga sumusunod na US mobile driving license:
- LA Wallet (Louisiana)
Kapag napili mo na ang mDL scheme na gusto mong gamitin, kakailanganin mong mag-log in at ibahagi ang iyong mga detalye. Makakatanggap kami ng kumpirmasyon na nakakatugon ka sa limitasyon sa edad na tinukoy ng negosyo.
Puwedeng matanggap ng Organisasyon:
- Kung ikaw ay ‘lampas’ o ‘wala pa’ sa kanilang kinakailangan sa edad
Hinding-hindi namin sino-store o ibinabahagi ang mga detalye mo kahit kanino maliban sa provider.
Mga pagsusuri ng edad na magagamit ulit
Para mabawasan ang dami ng beses na kailangan mong i-verify ang edad mo online, bumuo kami ng sistema ng mga token ng edad. Opsyonal ito kaya hindi lahat ng Organisasyon ay gagamit nito. Sa ibaba, ipapaliwanag namin kung paano ito gumagana at kung saan mo ito gagamitin.
Mga token ng edad
Ang mga token ng edad ay nagsisilbing digital na patunay ng pagsusuri ng edad at nagbibigay-daan sa iyong gamitin ulit ang resulta ng isang pagsusuri ng edad hangga’t pinapayagan ng Organisasyon.
Gumagawa ng token ng edad kapag pinatunayan mo ang edad mo gamit ang Yoti at nilalaman nito ang resulta ng pagsusuri at impormasyon kung paano at saan ito isinagawa.
Ang mga token ng edad ay walang lamang anumang personal na impormasyon, hindi ito sumusubaybay sa iyo at hindi nito alam kung saan ka pumunta o kung saan ka nanggaling. Sino-store ang mga token ng edad sa browser mo gaya ng cookie at may limitadong panahon ang mga ito. Puwede kang mag-delete ng token ng edad sa pamamagitan ng pag-clear ng cache mo.
Kung pupunta ka sa isang website na gumagamit ng mga token ng edad, magki-click ka ng button para i-verify ang edad mo at babasahin ng organisasyon ang token ng edad mula sa browser mo. Kung nakakatugon ang token sa mga kinakailangang itinakda ng website, magbabalik ng resulta ang Yoti para kumpirmahin na na-verify na ang browser mo dati at bibigyan ka ng access sa website hangga’t valid ang token.
Kung wala kang token na nakakatugon sa mga kinakailangan, hihilingin sa iyong patunayan ang edad mo sa pamamagitan ng karaniwang proseso.
Account ng edad
Puwede mong i-store ang mga token ng edad mo sa isang account ng edad. Magbibigay-daan ito sa iyo na i-access ang website ng Organisasyon sa ibang browser o device, nang hindi na kinakailangang patunayan ulit ang edad mo.
Makakagawa ka lang ng account ng edad kung gumagamit ng mga token ng edad ang Organisasyon. Kapag pinatunayan mo ang edad mo gamit ang mga karaniwang paraan, bibigyan ka ng opsyong gumawa ng account na may anonymous na username at password.
Kung pupunta ka sa isang website na gumagamit ng mga account ng edad, magki-click ka ng button para i-verify ang edad mo gamit ang Yoti at may makikita kang opsyong mag-log in sa account ng edad mo. Paki lagay ang username at password mo. Titingnan ng website para malaman kung may anumang token ng edad sa browser mo na nakakatugon sa mga pamantayang tinukoy ng negosyong nauugnay sa account mo. Kung oo, magbabalik ng resulta ang Yoti para kumpirmahin kung na-verify ka na dati at nakakatugon sa mga pamantayang iyon ang token ng edad mo.
Kung wala kang anumang token ng edad na nauugnay sa account ng edad mo na nakakatugon sa mga pamantayan, ipapa-verify sa iyo ang edad mo gamit ang isa sa mga available na paraan. Kapag matagumpay ito, gagawa ng bagong token ng edad at iso-store ito sa account ng edad mo.
Pangongolekta at Paggamit ng Impormasyon
Ang impormasyong kokolektahin namin mula sa iyo ay para as pagtukoy kung nasa tamang edad ka para i-access ang isang produkto o serbisyo.
Depende sa pipiliin mong paraan sa edad, puwede naming paigtingin ang seguridad ng pagsusuri at gamitin ang impormasyong ito para:
- Suriin ang mga detalye mo
- suriin kung tunay ang idaragdag mong dokumento
- suriin kung totoo ka bang buhay na tao
- suriin kung may panloloko
Kapag kumukuha ng larawan bilang bahagi ng pagsusuri ng edad, puwede ring humiling ng liveness test ang Organisasyon. May mga batang nasa 13 hanggang 18 taong gulang sa aming mga user na posibleng kailangang patunayan ang edad nila.
Inilista namin sa ibaba ang impormasyong hihingin sa iyo para sa bawat paraan ng pag-verify ng edad at kung paano ito gagamitin.
Kapag naibahagi na namin sa Organisasyon ang resulta ng isang pagsusuri ng edad, dine-delete namin ang lahat ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan.
Pag-scan ng ID
Impormasyon |
Gamit |
Dokumento ng ID na na-upload ng user Selfie na kinunan ng user |
Kinukuha namin ang source ng petsa ng kapanganakan sa dokumento ng ID para kalkulahin ang edad mo. Sinusuri namin ang litrato sa dokumento kumpara sa kinunan mong litrato para masiguradong dokumento mo ito. Kung hihilingin ng Organisasyon, puwede naming suriin ang larawang ito gamit ang teknolohiya sa pagtantya sa edad para masiguradong tumutugma ang edad ng selfie sa edad na nasa dokumento ng ID. |
Yoti app
Impormasyon |
Gamit |
Attribute na edad batay sa petsa ng kapanganakan mula sa dokumento ng ID na na-upload ng user |
Ibinabahagi namin kung lampas ka na o wala ka pa kinakailangan sa edad sa Organisasyon. |
Pagtantya sa edad
Impormasyon |
Gamit |
Selfie na kinunan ng user o larawang ibinigay ng Organisasyon |
Sinusuri namin ang larawan gamit ang aming teknolohiya sa pagtantya sa edad para matukoy kung lampas ka na o wala ka pa sa kinakailangang edad. Kung hihilingin ng Organisasyon, puwede naming suriin ang larawan gamit ang teknolohiya ng live detection para masigurado na ang larawan ay totoong tao, at hindi 2D na larawan, maskara, o bot. |
Mga token ng edad
Impormasyon |
Gamit |
Resulta ng dating pagsusuri ng edad |
Para matukoy kung lampas ka na sa kinakailangang edad at kumpirmahin ang ginamit na paraan ng pagsusuri ng edad. |
Account ng edad
Impormasyon |
Gamit |
Username at password |
Para i-authenticate ang browser mo at kunin ang mga token ng edad mo |
Pagsusuri ng credit card
Ang pagsusuring ito ay ibinibigay ng isang provider ng pagbabayad ng card. Ang mga detalye mo ay ibabahagi sa kanila at ipoproseso nila para matukoy ang edad mo.
Impormasyon |
Gamit |
Card number, expiration date, CVC, at postcode. Ipapadala ang impormasyon sa Stripe at ipoproseso ito sa kanila. |
Para kumpirmahin kung tama ang mga detalye mo, na may credit card ka, at samakatuwid ay lampas 18 taong gulang ka na. |
Pagsusuri ng mobile
Ang pagsusuring ito ay ibinibigay ng isang provider ng mga serbisyo sa mobile. Ang mga detalye mo ay ibabahagi sa kanila at ipoproseso nila para matukoy ang edad mo.
Impormasyon |
Gamit |
Mobile number, buong pangalan, petsa ng kapanganakan, address, at bansa. |
Para kumpirmahin kung tama ang mga detalye mo at para matukoy kung lampas ka na sa kinakailangang edad. |
Pagsusuri sa database
Ang pagsusuring ito ay ibinibigay ng isang credit reference agency provider. Ang mga detalye mo ay ibabahagi sa kanila at ipoproseso nila para matukoy ang edad mo.
Impormasyon |
Gamit |
Buong pangalan, address, bansa, at petsa ng kapanganakan. |
Para kumpirmahin kung tama ang mga detalye mo at para matukoy kung lampas ka na o wala ka pa sa kinakailangang edad. |
eID scheme
Ang pagsusuring ito ay ibinibigay ng isang eID provider. Ang mga detalye mo ay ibabahagi sa kanila at ipoproseso nila para matukoy ang edad mo.
Impormasyon |
Gamit |
Swedish Bank ID (sa Sweden LANG)
|
Para matukoy kung nakakatugon ka sa kinakailangang edad ng organisasyon. |
Denmark MitID (sa Denmark LANG)
|
Para matukoy kung nakakatugon ka sa kinakailangang edad ng organisasyon. |
Finnish Trust Network (sa Finland LANG)
|
Para matukoy kung nakakatugon ka sa kinakailangang edad ng organisasyon. |
US Mobile Driving license (mDL)
Ang pagsusuring ito ay ibinibigay ng isang third party na provider ng mobile driving license. Ang mga detalye mo ay ipoproseso nila para matukoy ang edad mo.
Impormasyon |
Gamit |
LA Wallet
|
Para matukoy kung nakakatugon ka sa kinakailangang edad ng organisasyon. |
Cookies at Mga Katulad na Teknolohiya
Gumagamit kami ng cookies at mga katulad na teknolohiya para sa mga layuning panseguridad at para masigurado na gumagana ang Pag-verify ng Edad ng Yoti gaya ng nararapat. Ito ay first-party cookies at walang lamang anumang impormasyong direktang nagbibigay ng pagkakakilanlan.
Mahigpit na kinakailangang cookies
Cookie / Teknolohiya |
Layunin |
__yoti_avs_sess |
Sumusubaybay sa impormasyon ng session at kung aling Organisasyon ang humiling ng pag-verify ng edad |
__yoti_avs_sess.sig |
Pumipigil na mabago ang mga detalye ng pag-verify sa edad mo |
yoti-avs-gdpr-cookie=notification-accepted |
Nagtatala na nakita mo ang banner ng cookie at na-dismiss mo ito, para hindi mo na ito makita ulit nang 6 na buwan |
com.yoti.age.live |
Nagtatala kung mayroon kang Token ng Edad na puwedeng gamitin ulit bilang paraan ng pag-verify ng edad |
__stripe_mid |
Cookie para sa pag-iwas sa panloloko mula sa Stripe |
__stripe_sid |
Cookie para sa pag-iwas sa panloloko mula sa Stripe |
Ipify API |
Ginagamit para kunin ang IP address para matukoy ang bansa at estado mo nang sa gayon ay maipakita namin ang naaangkop na screen ng pahintulot batay sa lokasyon |
Makipag-ugnayan sa amin
Ang Yoti ay ang provider ng serbisyo at kaya naman dapat kang makipag-ugnayan sa Organisasyon na humiling sa iyong kumpletuhin ang pagsusuri sa edad para gamitin ang iyong mga karapatan kaugnay ng data mo.
Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa Yoti o kung ano ang kasama sa impormasyon sa privacy na ito, puwede kang makipag-ugnayan sa Yoti gamit ang nasa ibaba:
Email: privacy@yoti.com
Mga FAQ: https://support.yoti.com/yotisupport/s/
Address: Yoti Ltd, 6th Floor, 107 Leadenhall St, London, EC3A 4AF